Bata pa lamang si Mary Ann Agustin ay nakikitaan na siya ng potensiyal ng mga tao sa kanyang paligid gaya ng kanayng teacher olive, ngunit hindi naging madali para sa kanya ang kanyang mga pinagdadaanan. Sa 17 na taon niya ay marami na siyang naging achievement sa loob ng larong table tennis.

Hindi naging madali para sa kanya ang manalo ng mga medalya dahil sa lakas ng kanyang mga katunggali sa LD 3 meet gaya ng Philippine Yuh Chiau School na malakas niyang katunggali.
Sa pagsabak niya sa table tennis sa nakaraang Ld 3 Meet ay isang magandang laro ang kanyang naipakita matapos na makahakot siya ng medalya at nakarating sa Provincial meet.
Sa kabila ng pagiging student-athlete niya, siya’y nagtagumpay dahil sa kanyang determisyon at paghihirap. “Time Management” ayan ang kanyang sagot matapos tanungin kung paano niya napagsasabay ang academic at pagiging athlete.
Nagsimula sa pagkabigo na natapos sa pagkapanalo. Napatunayan ni Agustin determinasyon at tiyaga ang susi sa pagkamit ng pangarap. Hindi man gaanong nakatuon ang Pilipinas sa kanyang napiling isport, hindi siya nagkulang na ipakita sa paaralan niya ang puso ng isang atletang Pilipino.

“Focus lang po wag kabahan.” isa sa mga paalala ni Agustin