March 11, 2025

Paano mo malalaman kung ang isang tao ay isang superhero? Dahil ba sa kakayahang lumipad o sa kapa sa kaniyang likuran? Mali. Ang tunay na bayani ay hindi kailangang lumipad—minsan, sila ay nariyan sa paligid nagmamasid-masid ng mga problemang dapat masolusyonan. Isa na rito ang mga opisyales ng Isabela sa kagawaran ng Edukasyon na nagsisilbing tulay ng pag-unlad.

Halos hindi na mabilang-bilang ang mga samu’t saring problemang umaaligid sa larangan ng edukasyon, nariyan ang kakulangan sa materyales, kahirapan sa buhay at ibang pang mga personal na bagay na siyang sumisira sa hinaharap ng bawat mag-aaral.

Pasok sa Checklist

Isa sa mga problema kung bakit mabagal ang usad ng Edukasyon sa Pilipinas ay ang kakulangan sa materyales gaya na lamang ng mga libro, silid-aralan at marami pang iba na tila naging tanikala na ito sa bawat paaralan. Ayon sa poll na isinagawa ng Philippine Star 52% ng 1,200 respondents ang tinukoy ang kakulangan ng mga silid-aralan bilang ang pangunahing isyu na agad na tugunan ng DepEd, na sinusundan ng kakulangan/kakulangan sa mga mapagkukunan sa pag-aaral ng paaralan tulad ng mga libro at computer (49%) at kakulangan ng mga guro (45%).

Hindi rin nawawala sa listahan ang kahirapan, dahil ito ang isa sa mga puno’t dulo kung bakit patuloy na lumalago ang kaso ng drop-outs sa Pilipinas. Ayon naman sa Child Hope Philippines humigit-kumulang 2.13 milyong na mag-aaral ang humihinto sa pag-aaral taun-taon, dahilan upang maharap ang bansa sa lumalaking krisis na nagbabanta sa kinabukasan ng bawat kabadaan.

“Kahit na gusto kong mag-aral, wala talaga dahil mahirap lang kami.” ani ni Angelo na tila ba may namumugto ng luha sa mga mata nito at tanging pagtitinda na lamang ng prutas sa palengke ang pinagkukunan ng salapi upang masuportahan ang sarili.

Sa kabila ng mga problemang ito ay patuloy pa rin sa pag-aksiyon ng bawat opisyales ng Isabela na kung saan iba-ibang hakbang ang kanilang tinatahak upang burahin ang mga problemang nakalapat sa listahan ng mga problema sa edukasyon, gaya na lamang ng proyektong Kapehan at Kwentuhan sa Isabela.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *