March 13, 2025

CABATUAN, Isabela Inungusan ni Mary Ann Agustin si Donnalyn Batallones sa Table Tennis Women’s Single Event sa iskor na (13-15,11-2, 11-5) ngayong araw pebrero 18, 2025 na naganap sa Cabatuan National High School.

Sa unang tugma ng laro nagpakitang gilas agad si Batallones matapos manguna sa iskor na 5-2 nabaliktad naman ito ni Agustin sa iskor na 6-7.

Naging mahirap ang laro dahil palaging nagiging tabla ang ang iskor (9-9, 10-10, 12-12) Kaya’t nagtagal ang laro. Nang makalamang si Batallones ng isang puntos hindi ito hinayaan ni Agustin at nahabol niya sa iskor na 13-13 isang mahabang rally ang nangyari at natapos ang laro sa iskor na 15-13 na pabor kay Batallones.

Sa ikalawang tugma ng laro inungusan na ni Agustin si Batallones matpos nitong silatan sa iskor na 3-0. Nahirapan ng makahabol si Batallones at natapos ang laro sa iskor na 11-2, kaya’t nagkaroon pa ikatlong tugma.

Nanguna parin si Agustin sa ikatlong tugma ng laro sa iskor na 2-1 tulad ng ikalawang tugma tuloy parin ang pagpapakitang gilas ni Agustin matapos maitala ang iskor na 6-5 na pabor sakanya.

Walang awang naipanalo ni Agustin ang huling mga service niya. Natapos niya ang laro sa iskor na 11-5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *