March 11, 2025

Sa bakbakang hanggang wakas, katotohanan lamang ang makaaalpas.

logo mula sa dreamstime

Sa harap ng malawak na pisara, kung saan ang kaalaman ay dumadaloy at bumabalot sa bawat mag-aaral, unti-unting nakalimutan ang mga aklat na halos nagka-alikabok at maagnas na. Ang mga librong ito, na dati’y sagisag ng pagkatuto, ay napag-iwanan na ng panahon, habang ang mga estudyante’y tuluyang nagpapalamon sa maling sistema ng teknolohiya

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang Artificial Intelligence (AI) ay tumutukoy sa mga computer system na maaaring magsagawa ng mga kumplikadong gawain na siyang inaabuso paminsan ng karamihan sa mga estudyante.

Maraming kabataan ang lulong sa teknolohiya na akala mo ba’y nakaugat na rito ang kanilang mga buhay. Si Cristian Dela Cruz, 17, na kasalukuyang nasa ika-11 baitang ay isa sa mga estuyanteng naging libangan na ang paggamit ng AI sa maling pamamaraan mapa pagsusulit man yan o asignatura. 

Maraming mga gawain ang siyang umaabuso sa teknolohiya at siya ring dahilan kung bakit nangungulelat ang Pilipinas pagdating sa Programme for International Studemt Assessment (PISA).

Ang PISA ay isang pang-internasyonal na pagsusulit na sumusukat kung gaano kahusay ang mga 15 taong gulang sa iba’t ibang bansa sa pagbabasa, paggawa ng matematika, at pag-unawa sa agham. Ayon sa 2022 PISA nasa ika-77 ang Pilipinas sa 81 na bansa na siyang sumisimbolo sa pagkababa ng mga Pilipino pagdating s larangan ng akademya.

“Hindi ko kasi maiwasan dahil natatakot din ako bumagsak lalo na at STEM ako at hindi ako makasabay sa iba kong mga classmate.” Ito ang mga katagang bumulaslas sa labi ni Cristian na para bang may bakas ng lungkot sa boses nito

Sa bawat galaw ng orasan ay siya ring paglago ng teknolohiya na kung saan nagsisilbi na itong armas ng karamihan at ginagamit upang mandaya sa labanan ng katotrohanan. Sa isang klik, lalabas ang lahat ng impormasyon na kumpleto at siksik  ganiyan ang teknolohiya sa panahon ngayon na kung paminsa’y inaabuso na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *