March 11, 2025

CABATUAN, Isabela – Ipinunto ni Schools Division Office (SDO) of Isabela Information Officer Jay J. Gallegos, na may direktang epekto sa performance ng mga mag-aaral ang pagiging incompetent ng mga guro at pati na rin ng mga school heads.

Ayon kay Gallegos, sa kanilang isinagawang research sa mababang iskor na natamo ng senior high school sa National Achievement Test (NAT), 75 porsyento sa mga guro ng mga mag-aaral ay hindi major in english.

Dagdag pa ni Gallegos, isa rin sa mga dahilan ng mababang performance ng mga mag-aaral ay dahil sa kakulangan ng full-pledged school heads.

Batay sa Second Congressional Commission on Education (Edcom 2) Year 2 report, ipanapakita na halos 25,000 ng mga paaralan sa Pilipinas ang walang punong guro.

Ayon kay Gallegos, malaking bagay ang plano ng Department of Education (DepEd) na mag-deploy ng halos 15,000 na mga punong guro para sa literacy at numeracy rate ng dibisyon.

Batay sa DepEd, plano nilang i-deploy ang 7,916 passers ng National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) bilang pangunahing hakbang sa pagtugon ng kakulangan ng mga punong guro sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *