March 11, 2025

CABATUAN, Isabela- Nagtagumpay si Crenz Mark Nebab(Red) na talunin si Adrian Rain Tubo(Black) sa Table Tennis Single Mens Event (12-10, 11-8) ngayon araw, Pebrero 18, na naganap sa Cabatuan National High School.

Sa unang tugma ng laro naging mahirap para sa kanila ang laro dahil sa pagiging dikit ng laban sa iskor na 5-4, mahabang rally ang naganap sa laro at tumigil ang iskor sa 10-10, na nagpahirap sa kanilang dalawa.

Samantalang hindi ito hinayaan ni Nebab at ipinagpatuloy parin ang pagpapakitang gilas sa paglaro ng table tennis, naipanalo niya ang laro sa iskor na 12-10 na pabor sakanya.

Tuloy parin ang pagdomina niya sa sumunod na tugma ng laro at hindi hinayaang pamakapuntos si Tubo 4-0. Nagkaroon din ng mahabang rally sa laro sa iskor na 5-1 na pabor parin kay Nebab.

Naging mahirap para kay Tubo na humabol pa siya lumalagong iskor ni Nebab, naitala ang iskor na 7-4 na hudyat ng paghihirap niya sa laro. Tinapos na ni Nebab ang huling tugma ng laro sa iskor na 11-8.

“Practice ng 3 days, tiwala sa sarili ko” ito ang kanyang sagot sa isang interview sakanya. Ayundin sakanya “Masaya, Proud sa sarili” ang kanyang tugong ng tanungin kung ano ang naramdam niya sa kanyang pagkapanalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *